Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Laput bet Magnolia

0 272

May instant big man na ang Magnolia Hotshots kung masusunod ang kagustuhan ng one-and-done former player ng La Salle Green Archers na si James Laput.

Sa ekslusibong panayam ng ‘Sportalakan’ sa Abante News Online nitong isang araw, nilantad ng 6-foot-10 center na nangunguna sa mga koponang gusto niyang mapuntahan ang Pambansang Manok pagsapit ng 36th PBA Draft 2021 sa March 14.

“Magnolia is one of my preferred destinations, that is not a lie because they need a big man, they need a center,” saad PBA D-League veteran (Marinerong Pilipino) kina program hosts Sarah Jireh Asido at Cyreel Zarate.

“Props to Ian Sangalang and Rafi Reavis, those guys are amazing, but I feel like they are one of those teams who still needs a big man,” hirit pa ng Fil-Australian.

Ayon pa sa kanya, hinahanap din niya sa isang team ang kakayahan na gumamit ng isang sentro tulad niya, at pumasok sa kanyang isip ang dalawa pang koponan – Alaska at Meralco. (Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.