Abante Tonite Interactive

Larawang hubo’t hubad ipamimigay ni Ahron

By
4,406

Yes my readers, Linggo na naman at heto na naman ang mga chikang umantig sa damdamin ng diva that you love.

Kahit wala namang full frontal scene si Ahron Villena sa ‘Harry & Patty’, gamit na gamit sa promo ang la­rawan niyang kupas na di niya sinasadyang ma-share.

Siyempre pa, nagbunyi at nag-fiesta ang sangkabaklaan sa larawan kasi nga in full view ang buhay na ari-arian ni Villena sa nasabing larawan.

‘Gifted’ naman ang binata kaya siguro hindi makalimutan ang pangyayaring ayon mismo kay Ahron ay ‘di naman niya sinadya.

Nagpasalamat siya sa mga nagpiyesta rito at ang kuda ni Villena, hanggang tingin lang naman ang kanilang puwedeng gawin.

Naku ha, parang naghahamon itong si Ahron sa mga maricon na gawin ang lahat para hindi lang sila hanggang tingin na lamang.

Kung ako sa binatang makinis, para pandagdag hatak na rin sa mga manonood, ano ba namang ipa-reprint mo ang la­rawang hubo’t hubad ka tapos ipamigay as souvenir ‘pag palabas na ang pelikula.

Gawing merchandise baga. Nasa mugs, shirts at itodo na, life size standee ang puwedeng iuwi ng mga masigasig manood. Ang sayang ideya nito, hindi ba? Kaya Ahron Villena, push na ang merchandising na iyan para sa ‘Harry & Patty’, huh.

Carlo kay Angelica: ‘Marupok ako’

Patuloy ang wagas na harutan nina Angelica Panganiban at Carlo Aquino. Marami na tuloy ang umaasa na ang mga kaganapan sa dating­ magsing-irog, eh hindi lang pre-publicity para sa kanilang paparating na pelikulang ‘Exes Baggage’.

Ang tila pinakabago nilang lanturan, may tanong si Panganiban na tila ‘di agad sinagot ni Aquino. Ang emote ni Angelica, “Ako na lang ba ang churi sa buhay mo?”

Ano kaya ang ibig niyang sabihin sa salitang churi? Siya na lang ang wala sa buhay ni Carlo o siya na sa kasalukuyan ang nag-iisa sa buhay nito?

Ang reaksyon ni Aquino sa tanong, “Hahahaha! ‘Wag kang malandi. Marupok ako.”

Hindi ba wagas, tagos, at lalaking-lalaki ni Carlo. Ang saya-saya naman nila.

Parang gusto ko tuloy ialay sa kanilang dalawa ang kanta ni Carol Banawa. Bakit kasi di na lang nila totohanin na, hindi ba naman?

Pia naniniwalang papasukin ang transwoman sa Miss U

Ang pangatlong Miss Universe Philippines, si Pia Wurtzbach, walang problema at hindi isyu sa kanya na makasali ang hindi natural-born women o transwomen sa Ms. Universe.

Walang dudang ang puso at utak ni Queen P, hindi katulad nina Ms. Universe 19689 Gloria Diaz, Ms. Universe 1973 Margarita Moran at Ms. Universe First Runner Up 1998 Miriam Quiambao.

May pananalig si Wurtzbach na ang Ms. Universe Organization, papayagan ito at puwedeng makipagsabayan si Angela Ponce, ang super kontrobersiyal na transwoman kandidatang mula sa Espanya.

Ang kanyang pahayag sa isang news panayam, “You don’t have to be a natural-born woman to win Miss Universe.”