Abante Tonite Interactive

Laro ng Lahi: Mga bata sa Tarlac pinasaya ng PA-PNP

By
0 34

Pinasaya ng Laro ng Lahi 2018 ang mga kabataan sa Gayong Gayon Ele­mentary School sa Mayantoc, Tarlac kaugnay ng National Children’s Month Celebration nitong Nobyembre 23.

Binalangkas ang okasyon ng mga tauhan ng 32nd Mechanized Company at 3rd Mechanized Batallion ng Philippine Army (PA) katuwang ang 304th Manuever Company ng Philippine National Police (PNP).

Tinampok na mga larong Pinoy ang patintero, luksong lubid, tumbang preso at palo sebo. Nagkaroon din ng aktibidad para sa medical, dental at feeding na tinaguyod ng National Business Women and Professionals sa pangunguna nina Gen. Aristotle Goyena at Atty. Venuz Valerio-Lejarde.