Abante Tonite Interactive

Laro sa NCAA tigil muna para sa Gilas

237

Paraya muna ang mga laro sa 95th National Collegiate Athletic Association men’s basketball tournament 2019 first round eliminations ngayong araw upang bigyan-daan ang mga Pinoy basketball fans ng pagkakataon na buong suportahan ang Gilas Pilipinas na kumakampanya 18th FIBA World Cup 2019 sa Foshan, China.

Ayon sa NCAA MANCOM, pinagpaliban muna ang huling triple-header game para sa round 1 sa araw na ito at inurong sa darating na Biyernes sa Cuneta Astrodome, Pasay city.

“We’re one in supporting our beloved national team Gilas Pilipinas. We’re giving way to the national team in its campaign in the FIBA World Cup,” anunsyo ni NCAA MANCOM chairman Peter Cayco ng host Arellano University.

“As a nation, we want to focus and cheer as one for our national team – win or lose we support them and we at the NCAA, this is our own little way to show our all out support to Gilas Pilipinas and the efforts of the SBP,” panapos niya.

Magandang pagkakataon naman ito para sa NCAA fans upang mag-cheer sa ilang manlalaro ng Gilas Pilipinas gaya ng naging produkto rin ng Lyceum of the Philippines University at San Beda University na sina Christian Jaymar Perez at Robert Lee Bollick, Jr. na umaangas kontra Italy nitong Sabado nang pumuntos ng 15 at 6 points. (Aivan Denzel U. Episcope)