Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Larsson aagapay sa FC Barcelona

0 121

Inaasahang magiging katuwang ni bagong manager Ronald Koeman ng FC Barcelona si former striker Henrik Edward Larsson bilang bagong coach para sa koponan.

Bahagi si Larsson, 48, sa kampeonato ng Barca sa La Liga noong 2004 hanggang 2006 at isang titulo sa Champions League noong 2005-06.

Ilang club teams na rin ang nahawakan ng Swedish football coach katulad ng Landskrona BoIS, Falkenberg at Helsingborg patungo sa mamanduhang Spanish pro football club.

Ibinahagi na ni president Josep Maria Bartomeu ang kanilang pagpili kay Koeman: “Koeman is one we’ve chosen. If nothing goes wrong he will be the head coach next season.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.