Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Las Piñas bibili ng 300K dose COVID bakuna

0 53

Lumagda sa tripartite agreement si Las Piñas City Mayor Imelda “Mel” Aguilar para sa pagbili ng 300,000 na dose ng anti-COVID-19 vaccine na AstraZeneca para sa mga residente sa lungsod.

Ang pamahalaan ang tumukoy sa alokasyon na 300,000 dose ng bakuna para sa Las Piñas sa ilalim ng vaccination program ng gobyerno.

Ayon kay Aguilar, darating ang bakuna sa Hulyo ngayong taon.

Libre aniya ang bakuna na prayoridad na ibigay sa mga frontliner tulad ng mga medical at health care worker, mga tauhan ng Las Pinas City Police, senior citizens, mga sektor na may matinding pangangailangan nito at mahihirap na residente sa lungsod.

Unang naglaan ang Las Piñas City government ng P200-milyon bilang augmentation funds sa pamahalaan para sa karagdagang pagbili ng bakuna kontra COVID-19.

Umaasa rin ang alkalde na madaragdagan ito ng pamahalaan sakaling magkulang ang bakuna para sa mga residente ng Las Pinas.

Iginiit ni Aguilar na prayoridad nila ang seguridad sa kalusugan,kaligtasan at kapakanan ng mga residente partikular ngayong panahon ng pandemya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.