Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lascuña naghari

0 44

Humarabas si Antonio Lascuña Jr. ng 68 pa-eight-under 280 upang daigin ng four strokes sina Ira Alido at Rupert Zaragosa nang pagharian ang ICTSI Riviera Invitational Challenge 2020 sa Couples course sa Silang, Cavite Biyernes.

“Masayang manalo uli mabuti meron na uli kaming mapaglalaruan,” anang 49-year-old Davaoeño na dominanteng local player sa Philippine Golf Tour (PGT) sa apat na titulong Order of Merit, na nagsubi ng P350,000 purse.

SM food to go Banner Ad

Siniwalat niya na ang pananatili nang wastong porma’y ang teaching at training niya sa kalapit na Manila Southwoods Golf and Country Club sa Carmona tapos maudlot ng walong buwan ang circuit dahil sa pandemya.

Nagsalo sa 2nd-3rd sina Zaragosa (69) at Alido (71) para sa 284 na may katumbas na tig-P187K, habang pang-apat si former Philippine Open champion at many-time PGT and PGT Asia titlist Angelo Que sa 285 tapos ng 67 para P110K. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.