Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lascuña sumama sa taas

0 137

Pumukpok si Antonio Lascuña nang solidong three-under 69 para akbayan si Rupert Zaragosa sa pamumuno habang kumakasa pa si Joenard Rates tapos ng three rounds Huwebes ng hapon ng ICTSI Riviera Invitational Challenge sa Couples course sa Silang, Cavite.

Dapat lumundag sa par-game (72) sa second round, binirdie ng magsi-50-anyos sa December 26 at Davaoeño na si Lascuña ang opening hole bago ang serye ng pars at kambal pang back-to-back feats buhat sa No. 10 saka tinapos ang mga sumunod na pa-bogey-free 35-34 sa torneong hudyat sa balik ng 2020 Philippine Golf Tour (PGT), na pinagpahinga ng walong buwan ng pandemya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Tumapos na may 71 si Zaragosa, nagpatalsik kay first round leader Rates sa 69 Miyerkoles, na hindi nasustena ang bantang pag-arangkada sa birdie sa first two holes at isang palong lamang. Pero bumagal siya sa tigalawang birdie at bogey hanggang makatapos.

Roller-coaster naman si Rates nang mag-71 para sas 213 at isang palong iwan lang sa dalawang nasa liderato sa P2.5M event na matatapos ngayong Biyernes. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.