Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lasing na nag-date, magdyowa tigok sa salpok

0 62

Malagim ang naging date ng magkasintahan matapos silang madisgrasya at masawi sa isang bypass road sa Barangay Vira, Laoag City kahapon ng madaling-araw.

Sa inisyal na report, tinukoy lang ng Laoag City Police Station (LCPS) ang pagkakilanlan ng mga biktima na isang 24-anyos na lalaki at 19-anyos na babae, kapwa taga-Barangay Barit ng nasabing siyudad.

Sa inisyal na report ng LCPS, nakasakay umano ang nakainom na magkasintahan sa isang Yamaha Nmax at sila ay bumiyahe upang kumuha pa ng maiinom sa nasabing bypass road ng Barangay Vira.

SM food to go Banner Ad

Ayon kay LCPS traffic officer P/Corporal Alexson Rosal, bumangga ang dalawang biktima sa konkretong bahagi ng kalsada at tumilapon. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.