Abante Tonite Interactive

Lasing na nagmaneho, Koreano diretso sa hukay

0 213

Patay ang isang 20-anyos na Koreano habang kritikal ang sakay nito nang mawalan ng kontrol ang manibela ng kotse na kanyang minamaneho, bumangga sa isang puno at nahulog sa isang malalim na hukay sa Dasmariñas City, Cavite.

Dead on-the-spot ang biktimang si Kin Jinsoph, binata, nanunuluyan sa Brgy. Santiago, Gen. Trias City, Cavite habang ginagamot sa Dela Salle University Hospital ang sakay nitong si Mhyca Brazal, 20, dalaga, ng 1208 Grand Canyon, South Park Home Subd., Tunsan, Muntinlupa City dahil sa tinamong pinsala sa katawan.

Sa ulat ni P/SSgt. Donato Almenario ng Dasmariñas City Police Station, alas-tres kahapon ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa tapat ng Phoenix Gas Station sa kahabaan ng Aguinaldo Highway, Brgy. San Agustin 1 ng naturang Lungsod kung saan minamaneho ng biktima ang isang Toyota Corolla na may plakang VEP 521 at sakay si Brazal.

Patungong South direction ang dalawa nang mangyari ang sakuna.

Lumalabas na nakainom ang Koreano habang nagmamaneho. (Gene Adsuara)