Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lasing na PSG kulong sa bundol

0 109

Inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang isang lalaking nagpakilalang miyembro ng Presidential Security Group (PSG) matapos makabundol ng isang motorcycle rider habang sakay rin ng isang motorsiklo at umano’y nasa impluwensya ng alak kamakalawa sa Paco, Maynila.

Sinampahan ng kasong Physical Injury with Damage to Property ang suspek na si Alvin Concepcion, 42, stay-in umano sa PSG quarters sa loob ng Malacanang.

Ayon sa Manila District Traffic Enforcement Unit, alas-8:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa Pedro Gil Street sa Paco.

Sakay ng kanyang Mio type scooter si Windel Vizco at nakahinto dahil red light nang bigla siyang bundulin buhat sa likuran ng Enduro type na motorsiklo na minamaneho ni Concepcion.

Sa lakas ng impact, bumagsak si Vizco na ikinasugat nito habang nasira rin ang top box at muffler ng kaniyang scooter.

Nang tanungin ng imbestigador, napansing nasa ilalim ng impluwensya ng alak si Concepcion. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.