Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lasing nanghalihaw ng taga, pinabulagta

0 192

Patay ang isang lasing na una ng nanghalihaw ng taga matapos makaganti ang tatagain sana nito sa duwelo sa Padre Burgos, Quezon Linggo ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si Ronie Montenegro Burgos, 37, ng Barangay Cabuyao Sur.

Sa report ng Padre Burgos, nakatambay sa harap ng isang tindahan ang suspek na si Antonio Sumiral Amedo, 50, nang dumating ang biktima at ang kasama nitong si Guillier Gambo Jordan, na parehong lasing.

Bigla na lang umanong nagbunot ng itak si Burgos at inundayan ng taga ang suspek na agad namang nakailag. Nakabunot din ng itak ang suspek at gumanti.

Tumakbo pa ang biktima subalit hinabol ito ng suspek at nang maabutan ay tinadtad taga na ikinamatay nito.

Naaresto naman agad ang supek. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.