Abante Tonite Interactive

Lassiter, SMB pumuwersa ng Game 7

576

tagay pa more!

Game 7 sa Miyerkoles: (Smart Araneta Coliseum)
7:00 pm San Miguel Beer vs Magnolia Pambansang Manok

Sa likuran nang astig na mga performance nina Marcio Lassiter, Christopher Ross at June Mar Fajardo, nanggagalai­ting pinulutan ng San Miguel Beer ang Magnolia Pambansang Manok, 98-86, at hatakin sa matira-matibay na Game 7 ang kanilang PBA Philippine Cup Finals Linggo ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Ang mainit na simula sa laro ni Ross ang nagpadikta sa dominasyon ng SMB sa buong laro na tinampukan ng 22-point biggest lead tungo sa pagtapos niya ng 17 points, may mahalagang 20 markers para mag-best player of the game si Lassiter, at may double-double job si Fajardo na 23 pts. at 18 rebounds.

“Happy for our players,” lahad ni San Miguel coach Leovino Austria. “Alam nila ‘yung importance ng game na ‘to. Alam nila kung paano manalo ng championship.”

‘Di hinayaan ng Beermen na tuluyang maputol ang inaasam na makasaysayang ikalimang sunod na titulo All-Filipino Conference sa pagtatabla sa serye sa tigatlong panalo habang dinismaya ang nais ng Hotshots na maagaw ang trono.

Ang score:
San Miguel Beer 98 — Fajardo 23, Lassiter 20, Ross 17, Standhardinger 16, Romeo 9, Santos 8, Cabagnot 3, Rosser 0, Pessumal 0.

Magnolia Pambansang Manok 86 — Jalalon 17, Reavis 16, Sangalang 14, Brondial 12, Lee 10, Barroca 6, Dela Rosa 5, Herndon 5, Melton 4, Simon 0, Pascual 0.
Quarters: 25-12, 50-36, 68-62, 98-86.(Lito Oredo)