Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lassiter, SMB wagi

0 162

TEAM STANDINGS W L
x-Barangay Ginebra 8 3
x-Phoenix 7 3
x-TNT 7 4
x-San Miguel Beer 7 4
x-Alaska Milk 7 4
x-Meralco 6 4
x-Magnolia 6 4
x-Rain or Shine 6 4
y-NLEX 4 6
y-Blackwater 2 8
y-NorthPort 1 9
y-Terrafirma 1 9

x – quarterfinalists
y – eliminated

Mga laro ngayon (AUF Sports Arena & Cultural Center):

10:00 am – NLEX vs. Terrafirma
1:00 pm – NorthPort vs. Meralco
4:00 pm – Magnolia vs. Blackwater
6:45 pm – Phoenix vs. Rain or Shine

Smart Clark Giga City – Humarabas sa second quarter patawid ng third ang San Miguel Beer para lunurin ang NorthPort 120-99 Martes ng gabi sa Smart 5G-powered AUF gym.

Mula sa 30-26 pagkakaiwan pagkatapos ng first, pasabog ng 76 points sa middle quarters ang Beermen para dumistansiya ng milya-milya 100-76 papasok ng fourth tungo sa 7-4 at puwesto sa quarterfinals ng PBA Philippine Cup na sisiklab sa Biyernes.

Nabaon sa 1-9 ang exit nang Batang Pier, tatapusin ang eliminations kontra Meralco mamaya.

Naglista ng 23 points, 11 rebounds si Arwind Santos sa SMB, may 21 at 9 si Mo Tautuaa. May 21 points at 7 assists si Marcio Lassiter. Combined 8 for 13 sa labas ng arc sina Santos at Lassiter.

Laban sa dating team, nagsalansan ng 29 points at 10 rebounds si Kelly Nabong para sa NorthPort.

Puwedeng akbayan ng Phoenix sa 8-3 ang Ginebra kapag tinalo ang Rain or Shine mamaya, pero kapag natalo ang Fuel Masters ay gigitgit sa 7-4 kasama ng SMB, TNT at Alaska.

Kapag nanalo ang Elasto Painters ay sila ang aakyat sa 7-4, tulad din ng Bolts kapag nanaig sa Batang Pier.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nasungkit nina James Yap at Gabe Norwood ang dagdag dekorasyon sa kani-kanilang careers sa 80-74 win ng Painters sa Tropang Giga kagabi na naglaglag sa NLEX (4-6).

Sa ibinaong apat na 3s ay inakbayan ni Yap si Ronnie Magsanoc sa third place ng PBA all-time list sa 1,171. Sa kaagahan ng third, kinalawit ni Norwood ang 3,000th rebound para maging 55th player, eighth sa mga aktibo pa, na nakaipon ng ganito karaming caroms.

Ang mga iskor:

First Game

Rain or Shine 80 – Mocon 16, Yap 16, Belga 12, Borboran 10, Norwood 9, Rosales 6, Ponferada 5, Torres 4, Onwubere 1, Arana 1, Wong 0, Nambatac 0, Tolentino 0.

TNT Tropang Giga 74 – Rosario 18, Erram 14, Parks 11, Enciso 9, Pogoy 9, Vosotros 6, Washington 4, Semerad 3, Carey 0, De Leon 0, Alejandro 0, Montalbo 0, Flores 0.

Quarters: 13-19, 43-38, 67-57, 80-74.

Second game

San Miguel Beer 120 – Santos 23, Tautuaa 21, Lassiter 21, Pessumal 15, Gamalinda 12, Cabagnot 11, Zamar 9, Comboy 5, Alolino 2, Escoto 1, Ross 0, Mamaril 0, de Guzman 0.

NorthPort 99 – Nabong 29, Elorde 14, Cruz 12, Standhardinger 10, Subido 6, Ferrer 5, Manganti 5, Guinto 2, Revilla 0.

Quarter: 24-30, 57-47, 100-76, 120-99. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.