Abante Tonite Interactive

‘Last Chance’? Bea nagpahiwatig ng ‘balikan’ kay John Lloyd

503

Hindi lang ordinary fans and netizens ang pinakilig ni Bea Alonzo sa ipinost niyang larawan nila ni John Lloyd Cruz na tila nagpapahiwatig ng comeback project kundi maging ang mga kapwa artista rin na fanatic ng kanilang love team.

Sa larawan kasi ay may caption na “A Last Chance?” at pahayag naman ni Bea sa kanyang Instagram caption, “Matagal nang hindi nagkita at nagkasama. Pwede pa rin kayang magkaroon ng LAST CHANCE?”

Para sa amin ay mukhang endorsement lang naman ng Turks ang tinutukoy ni Bea dahil na rin sa kanyang mga hashtags na ginamit pero ang espekulasyon ng netizens ay maaaring may pelikula ang dalawa.

Nagkomento si Isabelle Daza ng “Ommmmg” habang si Yam Concepcion naman ay nag-react ng tatlong heart emojis. Si Sheena Halili naman ay itinag pa si Katrina Halili at iba pa niyang friends na tila na-excite rin. Napa-react naman ng “wow” ang TV host na si Daphne Osena.

Halatang kinilig din si Maricar Reyes-Poon sa comment niyang “bakit tumalon puso ko dito.”

Nag-react din si Candy Pangilinan at aniya, “kinilig ako…”

Komento pa ng isang netizen, “OMG can’t wait to see you on big screen.”

“OMG NOOD TAYO NETO PAG SHOWING TEH!!!” reaksyon naman ng isa pa na itinag din ang isa pa niyang friend.

Needless to say, grabe ang reaksyon ng mga tao sa isang larawan pa lang nina Bea at Lloydie na magkasama kaya paano na lang kung true nga na may reunion project ang dalawa? Baka magkagulo na talaga.

Makikita rin naman kasi talaga sa larawan na may kilig pa rin talaga sina Bea at Lloydie. Sa positive reactions ng mga netizen, parang nakakasiguro na tayo ng blockbuster hit sa reunion movie ng dalawa.

Non-showbiz guy sobrang special kay Ritz

Mukhang hindi na NBSB (no boyfriend since birth) si Ritz Azul dahil mayroon nang special someone na nagpapasaya sa kanya ngayon. Non-showbiz ang guy although sey niya in her recent interview ay super best friends pa lang ang label nila pero mahahalata mo rin naman na may something special sa kanila base na rin sa mga statements niya.

“Sobrang understanding niya, sobrang supportive and sobrang friends, friends kami, sobrang special,” sey niya sa panayam sa kanya ng press recently.

Sa ngayon daw kasi ay career muna talaga ang focus niya kaya nasa stage pa siya na non-committal dahil ang gusto raw ng papa niya, kapag nag-boyfriend siya ay ‘yun na talaga ang mapapangasawa.

Katatapos lang ni Ritz ng “Los Bastardos” at ngayong Sabado ay sa episode ng “Ipaglaban Mo” naman siya mapapanood na may titulong “Abogada” kasama sina JC de Vera, Maxine Medina at Alex Castro mula sa direksyon ni FM Reyes.