Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Last ko Tokyo Olympics – Diaz

0 292

Hangad ni 2016 Rio de Janeiro Olympics women’s weightlifting silver medalist Hidilyn Diaz na maisakatuparan ang iba pang mga pangarap sakaling masungkit ang ikaapat na sunod at makamedalyang ginto sa magiging huli na niyang 32nd Summer Olympic Games 2020 na inurong sa 2021 sa Tokyo, Japan.

“Gusto ko na ring magkaroon ng pamilya,” bulalas ng 29-year-old, 5-footer Zamboanga City native kamakalawa sa Sports Page, pagkaraan ding bumuhat na rin sa 2008 Beijing at 2012 London Olympics. “Gusto ko ring maka-graduate, mag-college degree.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Isang Philippine Air Force (PAF) sergeant man at Philippine Sports Commission (PSC) national athlete na, nag-aaral pa rin si Diaz sa College of Saint Benilde-Manila, na hindi lang niya makumpleto dahil sa sunod-sunod na sinasalihang mga torneo sa paghahabol mag-qualify sa Tokyo Games.

“Gusto ko ring magkaroon ng normal na buhay,” panapos ni Diaz patungkol sa pagkakaroon ng pamilya kapag itinigil na ang pagbabarbel dahil sa aniya’y hindi na rin siya bumabata. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.