Abante Tonite Interactive

Last showdown nina Jordan, Bryant

477

March 28, 2003 nang huling magharap sina Michael Jordan at Kobe Bryant sa Staples Center.

Nasa Wizards na noon si Jordan. Umaariba naman ang career ni Kobe sa Lakers.

Doon ipinasa ni Jordan kay Kobe ang torch ng pinakamaangas na player sa NBA noong panahong ‘yun.

Pa-retire na si Jordan, 39. Hinahabol ni Kobe, 24, ang pang-apat niyang ring.

Showdown ng dalawa, pero sa dulo ay nangibabaw ang Lakers 108-94.

Tumabo si Kobe ng 55 points, 42 dito sa first half. Overall ay 15 of 29 mula sa field si Kobe, 9 for 13 sa 3-point range.

Team-high pa rin ang 23 points ni Jordan mula sa 10 of 20 shooting. (VE)

Tonite – Wendys Inhouse Ad