Abante Tonite Interactive

Lastimosa dinurog ang Pasig

182

Kinarga ni ex-pro Carlo Lastimosa ang Manila Stars para tabunan ang Pasig Sta. Lucia Realtors, 69-56, para sa unang laro ng 3rd MPBL Lakan Cup 2019 elims Lunes ng hapon sa Ynares Center sa Antipolo City.

Pumalo ng game-high 22 points at isang 1 rebound ang former PBA journeyman Lastimosa upang kunin ang ika-3 sunod na panalo nila sa torneo.

Umagapay rin si Marvin Hayes ng 10 markers at 11 boards para iakyat ang Manileños sa 2nd spot ng Group A North Division sa 16-3 win-loss record.
“Sa mga bata kong teammate gina-guide ko sila sa game and it turns shows naman sa game na nananalo kami,” pahayag ni Lastimosa. “Siguro nag-focus kami and ayun every game go hard kami.”

Hindi naman umubra ang tig-12 puntos na binaon nina Josoan Michael Nimes at Marc Lester Tamayo upang maisahan sumadsad sa 11-7 sa parehong dibisyon at mahulog sa sixth place.

Ang iskor:

Manila 69 – Laatimosa 22, Hayes 10, Bitoon 8, Dionisio 8, Matias 6, Go 3, Lee 3, Abrigo 2, Espinas 2, Bringas 2, Camacho 2, Arellano 1

Pasig 56 – Tamayo 12, Nimes 12, Manalang 11, Mendoza 7, Gotladera 5,
Serrano 5, Velchez 4, Delfinado 0, Adriano 0, Canon 0, Chavenia 0, Santos 0. (Aivan Episcope)