Abante Tonite Interactive

Late NO more!

306

May kasabihan tayo, “huli man daw at magaling, naihahabol pa rin.” Bagay na sinusu­nod pa rin ng marami sa atin. Kaya hanggang ngayon, buhay na buhay ang ‘Filipino time’ o pagiging ‘late’ sa kultura nating mga Pinoy.

Sa totoo lang, pikon ako sa mga estudyanteng madalas ma-late sa klase.

Unang-una, wala nang pinipi­ling oras o panahon ang traffic. Kaya hindi ko na kinakagat ang dahilang ‘traffic po kasi.’

Kung alam mo palang may maaga kang klase, natural – agahan mo rin ang gising. Kung malayo ang panggagalingan, mag-allot ng hanggang dalawang oras na allowance para tiyak na hindi ka mahuhuli.

Isa pang tip, ihanda mo na ang isusuot mong damit gabi pa lang. Pati ang mga gamit na dadalhin mo, mas mainam ding prepared na.

Kung nagco-commute ka, maglaan ng allowance sakaling masiraan ang sinasakyang bus o jeep. Kung may sarili namang sasakyan, maglaan ng oras sa paghahanap ng parking.

Huwag kang mag-over extend sa meeting mo para hindi ka mahuli sa susunod na appointment. Iwasan din na mag-set ng sobrang agang lakad kung hindi rin naman kayang tuparin.

Hangga’t maaari, huwag ding tumanggap ng imbitas­yon kung ‘di naman kayang puntahan sa itinakda nitong oras. Tandaan, reputasyon mo ang nakataya rito.
Kilalanin at tanggapin mo ang pagiging late. Huwag ka nang magdahilan pa para ma-excuse lang ang sarili mo. ‘Pag naging habit na kasi ito, iisipin mong walang mali sa naturang pag-uugali.

Ang sa akin lang, huwag sayangin ang oras. Hindi magandang makasa­nayan ang pagiging huli. Laging isipin, marami ang naaaksaya at naaapektuhan dahil dito.