Abante Tonite Interactive

Late sa kasalan, senatoriable nagtago

HULAAN BLUES

512

Halos na-OP o out of place daw ang isang senatoriable sa isang kasalan na dinaluhan ng mga kilala ring personalidad at opisyal ng pamahalaan.

Ito ay dahil sa matinding pagka-late nito na halos matatapos na ang seremonya nang duma­ting sa kaganapan.

Ang kuwento, halos matunaw daw sa hiya ang ating bida dahil siya ang pinakahuling dumating sa lahat ng mga sponsor para sa kasalan.

Bagama’t may isang senador na medyo nahuli rin ng pagdating sa seremonya ay wala raw tatalo sa pa-VIP na senatoriable sa tindi ng pagiging late.

Dahil diyan, sa halip na makihanay sa mga principal sponsor ay pumuwesto na lamang si Mr. Senatoriable sa likurang bahagi ng mga ito.

Hindi na rin daw nagpakita pa ang ating bida na dating opisyal ng gobyerno sa reception sa hindi naman malamang dahilan.

Clue: Ang ating bida ay may letrang R sa kanyang pangalan as in Red nga ba ang kulay ng dugo?