Abante Tonite Interactive

Latvia kampeon sa 3X3 Mla Challenger

0 204

Iniuwi ng world No. 2 Riga Latvia ang titulo ng 2019 Chooks-to-Go Manila Challenger Linggo ng hapon tapos na talunin ang Lyon France, 21-20 sa maigting na matira-matibay na finals sa SM Fairview Event Center, QC.

Nabitiwan ng Riga ang 19-13 abante nang maghabol ang Lyon na nakatabla pa sa 20-all. Pero lusot si Nauriz Meizis ng Riga sa sumunod na yugto para pampanalong basket upang muling tanghaling kampeon sa torneo na isang qualifier para sa 2020 Tokyo Olympics.

Unang tinalo ng Riga ang Ulaanbaatar Mongolia, 21-16 habang pinatalsik naman ng Lyon sa semis ang Gagarin Russia, 18-13.

Tanging insentibo na nakuha ng Pilipinas ang importanteng puntos para makasulong sa Olympic qualifying tournament para sa 2020 Tokyo Olympics sa Japan.

Umabot ang Pasig Chooks sa quarters pero bigo sa Lyon. (Lito Oredo)