Abante Tonite Interactive

Laude, Asia’s Lashes winasak ang Nailtak

0 212

Mga laro sa Huwebes:
(Ynares Sports Arena, Pasig)
1:30 pm — Black Mamba vs TIP
3:30 pm — AMA vs CEU
5:30 pm — iWalk vs Nailtalk-Savio

Umusok ang Asia’s Lashes Tomas Morato sa third quarter sa pag­rangko ng 16 points ni Jhygruz Laude para mawakwak ang Nailtalk-St. Dominic-Savio, 77-62, Lunes ng hapon hapon sa 9th PBA D-League Foundation Cup elims sa Ynares Sports Arena, Pasig.

Nag-apoy off-the-bench si Laude na tinapos ang makinang na araw niya sa pagsalansan pa ng 6 rebounds, 5 assists at 3 steals para itayo ang Soldiers sa 107-77 loss sa CEU dalawang linggo na ang nakalilipas.

Umayuda ng tig-10 markers sina Rickson Gerero at Francis Camacho para sa 1-1 record ng Asia’s Lashes.

“Sinabihan ko sila sa dugout na i-execute ang play namin kasi bine-breakdown kami,” ani winning coach Alvin Grey. “Iniisip nila mahina ‘yung team na kalaban namin, pero lahat dito competitive.”

Nabalewala lang ang kinayod ni Cameroonian big man Rudolph Mienlam para sa Nailtalk­ na sumemplang sa 0-3). May 15 pts. at 11 boards. At ang 10 puntos ni Mike Calomot.

Nakabalikwas din mula sa huling talo ang IWALK (1-1) kontra Hazchem (0-2), 90-76 sa likod ng 22 pts. ni Wowie Escasio, samantalang tinambakan din ng Hyperwash (1-2) ang Alberei (0-3). (Aivan Episcope)