Abante Tonite Interactive

Laundry basket ring ni Nambatac

284

HINDI hinayaan ni Rain or Shine shooting guard Rey Nambatac na mawala ang kanyang pulso sa pagtira ng bola habang naka-home quarantine dahil sa nakamamatay na COVID-19.

Sa video na ipinost ng player sa kanyang Instagram, makikitang enjoy itong nagsyu-shoot ng anumang madampot na bagay sa isang laundry basket.

Lahat ng ibato ni Nambatac ay pumasok sa naturang ‘improvised ring’ kabilang ang pang-pitong tira na maliit na bola.

Aliw naman ang mga netizen na nakapanood ng video.

“Malala na din haha,” komento ni netizen @itsfatgabby.

“Daming shoes ni idol, pa arbor nmn nang isa, pa advance bday gift mo nsa kin hehe,” sey naman ni @reden26 na napagdiskitahan ang maraming sapatos na makikita rin sa naturang video. (Ferdz Delos Santos)

Tonite – Wendys Inhouse Ad