Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Laurasia realty, Ministop tinuluyan ng BIR

0 99

Nagsampa ng kasong kriminal ang Bureau of Internal Revenue (BIR) laban sa limang kompanya at mga opisyal nito, gayundin sa dalawang negosyante sa South NCR dahil sa hindi umano pagbabayad ng buwis na umaabot sa P167.3 milyon.

Pinakamalaki ang hinahabol na buwis sa Laurasia Realty Corp. na nasa P125.6 milyon para sa taong 2013. Sabit dito ang presidente nitong si Noe Indonto, chairman na si Asuncion Martinez at treasurer na si Oscar Fernando Martinez.

Kinasuhan din ang Kreativ Koncept Inc. na isang trading and importing company para sa P16 milyong buwis noong 2012.

SM food to go Banner Ad

Ang single proprietor naman na si Ricardo B. Del Rosario na may-ari ng Gladwin Merchandise/Ministop ay hinahabol para sa P8 milyong buwis na noon pang 2008.

Nasa P7.6 milyon naman ang hinahabol kay Ma. Teresa Herras Flores mula sa negosyo niyang EMF Trucking noong 2008. Habang P6.2 milyon naman sa Vacation Specialist Group Co., kinasuhan din ang managing partner nitong si Jaye dela Torre.

May P2.5 milyon namang hinahabol sa XJJ Customs brokerage and Forwarders Inc. na noon pang 2007 dapat binayaran.

Ang advertising, marketing, PR at graphic design company na Design Index Inc. ay hinahabol para sa P1.5 milyong buwis para sa taong 2002. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.