Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Laure, Arocha umaray

0 97

Markado ang taong 2020 dahil sa pag-atake ng COVID-19 sa buong mundo, at isa sa mga sinagasaan ay ang mundo ng palakasan nang siyam na buwan.

Sa bansa kabilang ang mga kinanselang 82nd University of Athletic Association of the Philippines 2019-20 second semester (UAAP) pati na rin ang ika-83 edisyon 2020-21 nito, at 95th National Collegiate Athletic Association (NCAA) 20019-20 2nd sem din at atrasado na ang ika-96 na taon sa taong ito na inurong sa 2021.

Nabuksan naman nitong Marso ang UAAP at NCAA nitong Enero (women’s volleyball seasons). Pero itinigil ilang araw pa lang dahi sa paglobo ng bilang sa tinamaan ng pandemya.

Walang nagawa kundi magmukmok muna at maghintay ng susunod na season ang mga balibolista iba pang mga atleta ng dalawang pangunahing collgiate league. Labis na sninda ito ng mga star ilang graduating student dahil hindi pa klaro ang kanilang `eliibility’ sa susunod na taon.

nangunguna sa mga umaray social media sa UAAP ang magkapatid na na Ejiya ‘Eya’ at Ennajie ‘EJ’ Laure ng Sto. Tomas Golden Tigresses, Danielle Therese ‘Dani’ Ravena, at Katrina Mae ‘Kat’ Tolentino ng Ateneo Lady Eagles at iba pa. Habang sa NCAA ay si Perpetual Help Lady Alta Regine ‘Anne’ Arocha. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.