Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Laure batak sa ensayo

0 159

Kahit na may health pandemic, hindi pa rin paawat sa pagwo-workout at pag-eensayo si University Athletic Association of the Philippines (AAP) women’s indoor volleyball star Ejiya ‘Eya’ Laure ng University of Santo Tomas Golden Tigresses.

Kinansela man ang 2019-20 UAAP Season 82 noong Marso, tuloy-tuloy lang sa pagpapakondisyon ng katawan ang incoming junior open hitter at Philippine SuperLiga (PSL) Cherry Tiggo Crossover rookie.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa kanyang Instagram post nitong Linggo, katuwang ng 21-year-old, 5-foot-10 volleybelle ang isang mobile app para sa kanyang volleyball drills.

“Fitness day today! I tried this app and it’s amazing! Can’t feel my legs now,” aniya (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.