Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Laure, Maraño pinalit cycling sa volleyball

0 217

Sa pagpadyak na nagbubuhos ng oras madalas sina volleyball stars Abigail ‘Aby’ Marano ng Philippine SuperLiga (PSL) at Ejiya ‘Eya’ Laure ng University Athletic Association of the Philippines) nang maispatang mga nagbibisikleta sa Metro Manila.

Ibinahagi ni ‘Tyang Aby’ sa kanyang Instagram story nitong isang araw na kasama niyang pumedal si UST Golden Tigress player at incoming PSL rookie Eya.

“Ready to ride again after tinapay break,” sambit ng F2 Logistic Cargo Movers middle hitter Maraño.

Binaybay nila nang nakatakdang lumaro sa Cherry Tiggo Crossovers outside hitter na si Laure ang ilang magagandang parte ng Metrpolis sa historical Intramuros, Manila patungong Mall of Asia, Pasay.

Mabuting activity naman ito para sa dalawang balibolista para mapaganda nila ang katawan nila dahil sa hindi pa rin sila nakakapagsagawa ng team training dulot ng pandemic. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.