Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Laure sa gabi kumakayod

0 442

Imbes na magpahinga na sa gabi, kayod pa sa pagpapadyak si University Athletic Association of the Philippines (UAAP)-University of Santo Tomas Golden Tigresses women’s indoor volleyball star at incoming Premier Volleyball League (PVL)-Chery Tiggo Crossovers rookie Ejiya ‘Eya’ Laure nang maispatan itong nagba-bike nitong Martes.

“Night ride with matching energy drink na baon,” caption ng 21-anyos, may taas na 5-10 na outside hitter habang nasa kalsada.

Mabuting ehersisyo naman ito para sa beteranang balibolista dahil kahit hindi pa sila pinapayagang maglaro o magsagawa ng team practice sa kolehiyo at sa pro league dulot ng pandemya, tuloy pa rin siya sa pagbatak ng katawan.

Plano ng PVL na sa Pebrero magbalik kung may iniksiyon na sa pandemya. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.