Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Laure, Cariño nagtukaan

0 71

Muling pinatunayan ni actor/dancer Rogel Kyle ‘Bugoy’ Carino Jr. ang pagmamahal niya kay Philippine Super Liga (PSL) star Ennajie ‘EJ’ Laure.

Sa TikTok video ni Bugoy, 18, ng GMA, Cavite, nakisali siya sa ‘Heartbreak Anniversary’ dance challenge,pero bago ang indakan tinuka muna niya ang 23-taong-gulang na partner.

Sa caption, may mensaye siya nang pambubuska kanilang mga basher.

“O mga basher diyan ‘wag nang bitter hahahaha 2021 na!” giit ni Cariño.

Binatikos na dati ang ang relasyon ng dalawa nang ilantad na may anak na sila.

Ito’y dahil two-year old na ang kanilang anak na si Scarlet, nangangahulugang menor de edad pa si Bugoy nang naging ama sa nasa hustong gulang naman na noong balibolista dati ng Foton na kilala na ngayong Chery. (Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.