Abante Tonite Interactive

Laure, Tornadoes nanaig sa Realtors

0 197

Mga laro bukas:

(Caloocan City Sports Center)

2:00 pm – Cignal vs Petron

4:00 pm – F2 Logistics vs Generika-Ayala

6:00 pm – Marinerang Pilipina vs PLDT

Sinalba ni rookie sensation Ejiya ‘Eya’ Laure ang Foton para tabunan ang Sta. Lucia, 25-27, 25-15, 25-22, 25-11 sa 7th Philippine SuperLiga Invitational Conference 2019 eliminations Huwebes nang gabi sa Malolos Sports and Convention Center sa Bulacan.

Kumayod si Laure ng 16 attacks, dalwang service ace at isang block para sa Tornadoes na may tsansa pa sa asam na semifinals dahil sa 2-3 win-loss record sa Pool B kabaraha ang biktima para sa segunda. Nasa tuktok ang F2 Logistics na may 3-1.

Bumakas kay Laure si Shaya Adorador ng 15 points habang sina Mina Aganon at Marian Buitre ay nagtala ng tig 12 at 11 markers, ayon sa pagkakasunod, para sa balanseng atake ng brigada.

Namuno sa Lady Realtors si MJ Phillips na humukay ng 16 puntos habang may 13 pts., 14 digs at limang excellent receptions si Pam Lastimosa.

Pero ‘di sapat ang mga kinayod ng dalawa para mabitbit ang Sta. Lucia sa game.

Una rito, humambalos ng 18 points si national team stalwart Mylene Paat upang masakal ng Cignal (5-0) ang PLDT Home Fibr, 25-22, 25-19, 25-20, para makapalaot na sa Final 4. (Elech Dawa)