Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Laure, UST lalapain Adamson

0 82

Bibigyan ng magandang panimula ni Ejiya ‘Eya’ Laure ang Sto. Tomas Golden Tigresses sa pagsambulat ng 84th University Athletic Association of the Philippines 2022 women’s volleyball tournament second round eliminations ngayong Huwebes ng alas-10:00 ng umaga sa SM Mall of Asia Arena.

Muling sasagpangin ng katabla sa segunda at galing sa kambal na ragasang España-based squad (5-2) at ang nasa solo fourth Adamson Lady Falcons (4-3) na inunahan nila sa limang set sa first round noong Mayo 17.

SM food to go Banner Ad

Nagmarka pa ng career-high 31 points si USTe skipper Laure nang yanigin ang Ateneo Blue Eagles sa four sets noong Huwebes sa paggiit na, “Walang duwag na tigre!”

Pero galing din ang AdU sa three-set win kontra UE Lady Warriors. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.