Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lauren Young sa mga artistang tahimik: Walang kwenta kasikatan niyo!

0 554

RP

Handang harapin ni Lauren Young anuman ang kahinatnan niya sa kanyang pagsasalita bilang pagprotesta laban sa gobyerno.

“Whenever I speak out honestly may takot ako na baka mawalan ako ng trabaho from brands. But then again, in the long run, mas takot akong mawala ang freedom ko to voice out my opinions,” ayon sa kapatid ng beauty queen na si Megan Young.

“So yeah I’ll post a selfie once in a while for work but you can never silence me,” aniya pa.

Inudyukan din ni Lauren ang mga kapwa niya artista na magsalita sa usapin ng ABS-CBN shutdown.

“Walang kwenta and kasikatan mo at yaman mo if you won’t even help the people who put you there in the first place,” giit ni Lauren.

“Ang pagiging artista mo ay trabaho lamang, but you are first and foremost a HUMAN. SPEAK UP!! USE YOUR PLATFORM. Ginagag* na nila tayo eh and WE ALL DESERVE BETTER,” tindig pa nito.

Matatandaan na sa noise barrage sa harap ng ABS-CBN compound ay hinimok din ni Angel Locsin ang kanyang mga kasamahan sa industriya na magsalita na sa pagsasara ng kanilang network.

Leave A Reply

Your email address will not be published.