Abante Tonite Interactive

Laurente, ABC ‘Best Junior Boxer’

115

Nahirang na Asian Boxing Confederation Best Junior Boxer si Criztian ­Laurente para sa taong 2016 kasama ang dalawa pang Pinoys noong Miyerkules.

Ito’y matapos i-anunsyo ni Asian Boxing Confederation President Serik ­Konakbayev ng Kazakhstan.

Nakita ang husay ni 16-year-old at tubong General Santos City, Laurente ng sikwatin ang Gold medal sa Children of Asia Tournament na ginanap sa Yakutsk, Russia nakaraang Hulyo.

Siyam na magkakaibang sports ang sinalihan ng mga Pinoy, tanging si ­Laurente lang ang nakapag-uwi ng medalya.

Best Asian Coach naman si ABAP Head mentor Pat Gaspi habang si Karina Picson ay tinanghal na Best Supervisor sa Asia.

Si Gaspi ay long-time ABAP head coach at dating national boxer habang si Picson ay nakapasa sa ITO (International Technical Official) Course and ­Examinations sa Antalya, Turkey noong 2011 at sa AIBA Supervisor’s Course and Examinations sa 2015 sa Almaty, Kazakhstan.

Binati naman ni ABAP President Ricky Vargas ang tatlong awardees na para sa kanya ay mga “Asia’s Best, Philippines’ Pride”.

Tonite – Wendys Inhouse Ad