Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lausa asinta WBA Asia title

0 136

Pagrarambulan nina Jenel Lausa at Jadier Herrera ng Cuba ang bakantang World Boxing Association Asia South super featherweight title sa darating na Pebrero 26 sa Marina sa Dubai, UAE.

Ito ang unang beses na lalaban sa labas ng bansa ang 33-anyos, may taas na 5-5 na Pinoy mula sa Iloilo City at kilala ring ‘Demolition Man.’

Liyamado siya sa karanasan base sa 10-0-1 win-loss-draw record habang ang makakatunggaling 19 na taong si Herrera ay may 4-0-0 pa lang sa mura niyang karera. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.