Abante Tonite
Mabilis sa Balita

LaVar may sama ng loob sa Lakers

0 202

Walang interes si LaVar Ball sa tandem nina LeBron James at Anthony Davis sa Lakers.

Isa ito sa dahilan kaya ayaw niyang mapunta ang anak na si LaMelo sa Los Angeles.

Top prospect sa Nov. 18 virtual draft si LaMelo, kundi man mapunta sa Minnesota sa first pick ay inaasahang hindi siya mawawala sa top five.

Naka-kondisyon na kay LaVar kung saan gustong mapunta ang anak.

“I want him in either New York or Detroit,” anang Ball patriarch sa The Pascal Show nitong Sabado.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Lakers ang tumapik sa panganay ni LaVar na si Lonzo noong 2017, pero makalipas ang dalawang taon ay pinamigay sa New Orleans para makuha si Davis.

“The makeup that they have right now, that’s not good for me,” paliwanag ni LaVar. “When they finish with the AD and LeBron here and all that. Check this out, already had a son in LA with a raggedy ass coach. So it don’t matter where you go, the key is to have the right coach behind you.”

Seventh pick ang Pistons, eighth ang Knicks.

Pagkatapos ng Timberwolves at bago ang Pistons, pipili ang Warriors, Hornets, Bulls, Cavaliers at Hawks.

Pangatlo na ni LaVar sa Draft, pero hindi natawag ang pangalan ni LiAngelo noong 2018. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.