Abante Tonite
Mabilis sa Balita

LaVine, Bulls bumalikwas

0 57

Kinumpleto ni Zach LaVine ang comeback win ng Chicago Bulls laban sa Detroit Pistons 105-102 sa 75th NBA regular season game sa United Center sa Illinois nitong Miyerkoles.

Kinansela ng liga ang orihinal na iskedyul ng dalawa dahil sa COVID-19 contact tracing. Dapat ay dadayo ng Charlotte ang Bulls, ang Pistons sa Dallas.

Umiskor si two-time slam dunk champion LaVine ng 37 – 15 sa third quarter nang ma-outscore ng Bulls ang Pistons 27-12 sa period para kainin ang 25-point lead ng Pistons bago ang halftime.

Pasok ang 3-pointer sa sulok ni Coby White para ilayo sa apat ang Bulls. Pagkatapos ng basket ng Pistons, kumana ng isa pang tres si Patrick Williams para sa 103-98 lead 29 seconds na lang.

Pinalitadahan ng free throw ni LaVine ang panalo na nagangat sa Bulls sa 12-15 win-loss record at tinulak ang biktima sa 8-20.

Umayuda ng 18 points si Wendall Carter, tumapos ng 15 si Williams sa Chicago.

Nawalan ng saysay ang career-high 43 points ni Jerami Grant sa Detroit. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.