Abante Tonite
Mabilis sa Balita

LaVine ginapos ng Chicago Bulls

0 98

Sa Day 2 ng NBA free agency, pinili ni Zach LaVine na manatili sa Chicago gayundin si Jusuf Nurkic sa Portland.

Sinuwag ni LaVine ang pinakamalaking halaga ng kontrata sa Bulls history nang pumayag sa offer na five-year, $215 million contract.

Technically ay free agent ang Olympic gold medalist na si LaVine pero tumagal lang ng 18 hours. Maluwag ang Bulls, mas malaki ng $56M ang kayang ibigay sa kanilang star kumpara sa ibang team.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Tuloy ang tambalan nina LaVine at DeMar DeRozan sa Chicago.

Pinakamalaking payday rin ng career ang pinirmahan ni Nurkic na four-year, $70 million contract sa Portland. Sa walong seasons ng center sa liga, anim rito ay sa Trail Blazers. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.