Abante Tonite
Mabilis sa Balita

LaVine gustong ugatan sa Bulls

0 66

Nasa huling taon na ni Zach LaVine sa Chicago Bulls, wala pang pirmahan para sa kanyang contract extension.

Kung si 26-year-old shooting guard LaVine ang tatanungin ay nais niyang manatili sa Windy City nang matagal.

Maging ang pamunuan ng team ay ayaw pakawalan si LaVine kaya paniguradong pipirma ang two-time slam dunk contest champion.

“Hey man, if they want me here, I’m not going anywhere. I’m building this thing. I’m the first guy in the door. I wanna be part of this,” saad ni LaVine.

Bago ang mga pahayag ni LaVine, maraming espekulasyon na iiwan na ng 6-foot-5 NBA All-Star ang Chicago.

Subalit ayon sa mga NBA analyst, maraming puwedeng mabago habang lumilipas ang mga araw. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.