Abante Tonite Interactive

Lawal, Taylor pinagpipilian ni Black

219

naninimbang

Naninimbang na si Meralco coach Norman Black sa dalawa niyang imports.

Mukhang gusto nang ibalik ni Black si Gani Lawal pagkatapos ng unang laro ni Jimmie Taylor.

Abante Hiring – IT dep

Iniupo ng Bolts si Lawal dahil binabagabag ng sore hamstring, tinawag si Taylor. Sabado ay isinalang na ang replacement import dalawang araw matapos dumating pero hindi nito naisalba ang Meralco sa 104-91 loss sa TNT KaTropa.

Nagkasya lang sa 13 points mula 5 of 10 shooting si Taylor, bagama’t nagbaba ng 18 rebounds sa loob ng halos 39 minutes. Kinain siya nang buo ni TNT import Terrence Jones.

“In fairness to Jimmie, he just arrived two days ago and there’s no way he can possibly know our system after just two-and-a-half days of practice pagtatanggol ni Black kay Taylor.

Kokonsultahin daw ni Black ang team physicians para matimbang kung puwedeng makalaro si Lawal sa Miyerkoles kontr NLEX.

Nasa 3-4 sa kasalukuyan ang Bolts, kailangan nang kumilos kung gustong makahabol sa playoffs. Mas produktibong import sa offensive end ang hinahanap ni Black.

“You can see that Gani’s more productive as a player, especially on the offensive end of the floor,” anang coach. “Maybe Jimmie can match up as far as rebounding is concerned, but I think Gani’s a better offensive player.” (Vladi Eduarte)