Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Laway lang, sapat na sa bagong rapid test

0 185

Nakahanap ng bagong paraan ang mga researcher sa Amerika para sa mas mabilis at murang rapid testing para malaman kung may COVID-19 ang isang indibiduwal.

Inimbento ng mga eksperto mula Yale School of Public Health ang SalivaDirect, kung saan tanging laway lang ng isang tao ang kailangan para malaman kung carrier ba ito ng coronavirus.

Ang nasabing test kit ay hindi na kailangan ng ibang device para gumana, at tatlong oras lang ang hihintayin para sa resultang kasing tumpak ng tinuturing na ‘gold standard’ na RT-PCR test.

Bukod pa dito, binida din ni Yale assistant professor Nathan Grubaurd na $10 lang ang bayad para sa testing o hindi pa hihigit sa P500.

“If cheap alternatives like SalivaDirect can be implemented across the country, we may finally get a handle on this pandemic, even before a vaccine,” ayon kay Grubaugh.

Sa ngayon ay nakatanggap na ito ng emergency approval mula sa Food and Drug Administration ng USA.

Leave A Reply

Your email address will not be published.