Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Laylo kampeon sa Online chess

0 255

Pinamayagpagan ni Grandmaster Darwin Laylo ang katatapos na Baby Uno Chess Challenge-J. O. Santos Chess Tournament (Individual Open To All Title Master) sa Lichess.org noong Linggo.

Tinumba ng residente ng Marikina si National Master Jasper Rom sa penultimate round at nakipaghatian ng puntos kay NM Elwin Retanal sa final round para maka-12 points sa likod ng 10 wins, 4 draws at 1 loss sa 15-round online event.

Pumangalawa at pumangatlo sa torneo sina NM Leon Marohom at International Master Michael Concio Jr. na may 11 at 10.5 markers, ayon sa pagkakasunod. (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.