Abante Tonite Interactive

Layug, Motolite nilimas ang BaliPure

215

Pinabagahe ni Maristella Layug at import Channon Thompson ng Motolite team ang unang panalo Premier Volleyball League Season 3 Reinforced Conference 2019 prelims nang walisin, ang BaliPure, 25-16, 25-21, 25-18, Linggo sa FilOil Flying V Centre, San Juan.

All-around performance ang pinamalas ni Layug, walong puntos ang kinubra sa five attacks, two ace at isang block.

Nagbaon si Thompson ng 20 points sa laban, tampok ang 14 attacks, apat na blocks, at dalawang service aces upang angklahan ang Power Builders sa pag-entra sa win column ng six-team tournament, natakasan din ang tatlong pagtirik.

“We just wanted to end the first round on a really positive note. It’s been a really, really tough week for us,” dada ni coach Air Padda sa pag-aalsa ng kampo sa salpukan ng dalawang wala pang panalo-team tungo sa laro.

Umusok din sa Motolite si Tots Carlos na may walong puntos at Krystle Esdelle na may ambag na pito sa pagpapahaba pa sa pasang krus ng Purest Water Defenders sa apat.

“I told them today that it doesn’t matter if the games that we played in the past, what only matters is the most important game that we play is the one that we are playing today,” dagdag pa ni Padda.
(Janiel Abby Toralba)