Abante Tonite Interactive

Layup ni Mendoza, tumalbos sa Lyce

178

Mga laro sa Martes:
(FilOil Flying V Centre, San Juan)
12:00nn — CSJL vs. JRU
2:00pm — MU vs. SSC
4:00pm — UPF vs. CSB

Sinalpak ni Jethro Mendoza ang panelyong puntos upang itaguyod ang Emilio Aguinaldo College sa 84-82 alpas kontra tigasing Lyceum of the Philippine University Biyernes ng gabi sa 95th NCAA 2019 basketball tournament elims sa FilOil Flying V Center, San Juan City.

Tabla ang iskor sa 82 nang ipasok ni Mendoza ang layup may 1.5 ticks na lang sa orasan sapat para sikwatin ang unang panalo ng Generals sa dalawang laro, gaya ng baraha ng biktima.

Naghahabol ang Pirates sa third period, rumatrat ng 15-4 run para sa 70-all sa fourth. Pinamunuan nina Mendoza at Marwin Taywan ang opensa ng EAC sa payoff period upang makuha muli ang bentahe at silatin ang pinapaborang Pirates.

“Naglaro sila nang tama, we’re blessed with a win versus LPU,” saad ni coach Oliver Bunyi.

Nagtala sina Mendoza at Taywan ng tig-21 markers para sa Generals.
Tumikada naman si Jaycee Marcelino ng 23 puntos para sa Pirates na may 1-1 card. (Elech Dawa)