Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lazada delivery minadyik

0 390

Iritado ang isang kustomer sa pinadeliber niyang 10 kahong disposable face mask sa Lazada dahil pagdating sa kanilang tahanan mga tissue paper ang laman ng kanyang package.

Sa kanyang Facebook post, nabatid na nagreklamo si Ryan Balce sa Lazada noong July 7, 20200 at agad siyang nagpadala ng return request para dito.

Tinawagan naman umano siya ng representative ng Lazada at sinabihan na maghintay ng 12 hanggang 24 Oras para sa kanyang refund na hindi naman dumating.

Sa labis na pagka-asar sa pangyayari, nag-post si Balce sa FB:

“WARNING: When shopping at #LazadaPH, #lazada, #LazadaStore please be vigilant when buying from #vtowcpgadget. Ordered 10 boxes of facemask but sent 10 boxes of tissue paper. I already sent a return request 2 days ago to no avail. #badbusiness #DTI

Update 7/11: A representative from the store just called and informed me to expect a full refund within 12-24 hrs.”

Ani Balce sa kanyang post, P3,000 halaga ng face mask ang kanyang binili at anim na araw pagkatapos niyang ipaalam sa Lazada ang nangyari, wala pa itong ginagawa.

Kuwento naman ng Facebook friend ni Balce sa kanyang post tungkol sa Lazada: “I also ordered 1 box of face mask but they gave only 10 pcs. I complained but they just ignored.”

Umaasa pa naman si Balce na mapapansin ng Lazada ang kanyang reklamo dahil gumamit siya ng hashtags: #LazadaPH, #lazada, #LazadaStore, at #DTI pa.

Si Balce ay bumili ng face mask sa VTow CP Gadget sa Lazada at ang halaga ay P279 ang isang kahon. Ang delivery schedule ay sa pagitan ng June 20 hanggang June 24.

Hiningi ng Abante Tonite ang panig ng Lazada ngunit hindi pa ito nagbigay ng pahayag hanggang press time. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.