Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lazada, J&T Express pasaway sa quarantine

0 398

Puslitan ng bentahan ng alak ang ilang online shop sa mga lugar na deklarado ang liquor ban sa panahon ng community quarantine.

Base sa ulat, July 4 lamang nang alisin ang liquor ban sa Baguio City ngunit nakabili ang Twitter user na si Gianna Christia ng alak sa Lazada noong July 1.

Tweet ni Christia noong alas-9:47 ng umaga ng July 1: “So, I ordered wine online (via Lazada), it’s now here in Baguio but I’m wondering if it’ll reach me haha baka ma-return to sender kasi liquor ban?”

Tila na-excite si Christia dahil nakatanggap siya ng mensahe alas-2:47 ng hapon noong July 1 na parating na ang kanyang inorder na alak na J&T Express ang shipper.

Tweet pa niya bandang alas-2:48 ng hapon pagkatanggap ng mensahe: “Ok from La Union lang naman yung seller, but I’m surprised it’s this fast? Haha as in not even 24 hrs pero andito na yay!”

Laking tuwa ni Christia nang madeliber sa kanya ang alak. Tweet niya noong alas- 3:24 ng hapon, July 1: “Yesss na-receive ko!” kasama post ng picture ng dineliber sa kanya. Ang seller sa Lazada ay www.boozy.ph na may sarili ring online shop.

Ayon sa boozy.ph, sinusubukan nitong bumalik sa normal na operasyon simula ng ibaba sa general community quarantine ang Metro Manila at ginagarantiya nito ang dalawang oras na delivery sa Metro Manila, maliban sa Navotas at Valenzuela na nasa ilalim pa ng liquor ban.

Sinubukan ng may-akda na mag-order sa boozy.ph noong kainitan ng enhanced community quarantine at hindi naman ito nagdeliber.

Hiningan ng Abante TONITE ng panig ang boozy.ph at Lazada Philippines tungkol sa insidente ngunit kapwa ito hindi nagbigay ng pahayag.

Matatandaan namang nasangkot sa kontrobersiya ang courier na J&T Express dahil sa kawalang ingat sa mga ipinadadala ditong mga package na ikinagalit ng mga netizen o online seller na kanilang mga parokyano.

Pinaimbestigahan na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa National Bureau of Investigation (NBI), Bureau of Internal Revenue (BIR) at Philippine National Police (PNP) ang J&T Express matapos na makarating sa kanyang kaalaman ang mga reklamo laban sa nasabing courier.(Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.