Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lazada, Shopee abuso sa peke tutuldukan

0 84

Sinusulong ni Senador Sherwin Gatchalian na mapagtibay ang isang batas upang protektahan ang mga consumer laban sa mga mapagsamantalang online seller.

Ipinahayag ito ng senador sa radio interview sa kanya nitong Sabado matapos na dikdikin sa isinagawang pagdinig noong Huwebes ang mga online shopping platform na Lazada at Shopee hinggil sa mga produktong binebenta sa kanila na hindi aprubado ng Food and Drug Administration (FDA).

Sa kanyang Senate Bill 1591 o Internet Transactions Act, magtatakda ng mga mahigpit na regulasyon para sa proteksyon ng mga consumer laban sa mga mapagsamantalang negosyante sa internet.

Sabi ni Gatchalian, naaabuso ang mga buyer o consumer na namimili online.

Mas marami aniyang oportunidad sa maliliit na negosyante ang pagbebenta online sa new normal subalit marami rin ang umaabuso.

“Sa pagdinig natin lumabas sa presentattion ng OMB [Optical Media Board] marami pa lang illegal na software, music, videos na ibinebenta sa Lazada at Shopee. Marami rin pagkain na 1 di dumaan sa pagsusuri ng FDA at ang FDA naglabas ng warning na ang food supplements ay bawal,” sabi ng senador.

“Ang punto natin `di dapat mangyari ito dahil baka marami tayong kababayan na maloko at delikado na may mangyari pa sa ating mga kababayan,” dagdag pa nito.

Sa kanyang panukala, nais ni Gatchalian na magtayo ng isang e-commerce bureau sa ilalim ng Department of Trade and Industry (DTI) para bantayan ang mga internet transaction at tumanggap ng reklamo.

“Pangalawa, ang mga ganitong platform dapat may pananagutan dahil ang sellers nito hindi naman lahat nasa `Pinas, kung nasa ibang bansa ang nagbebenta ano ang habol natin kung ito ay may problema. Ang panukala natin ay gagawin nating accountable itong mga platform at may pananagutan sila,” paliwanag ni Gatchalian.

“Ang naging butas kasi ang platform sinasabi nila `di kami ang nagbebenta dumaan lang sa aming website, `yan din controversy sa Grab at Uber, dahil dumadaan lang sa kanila, `di ginagawa ang produkto, dito sa batas klaro kung ang ibinenta mo iligal may pananagutan ka rin,” ayon kay Gatchalian.

Leave A Reply

Your email address will not be published.