Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lazada, Shopee yari sa prank order

0 749

Nakarating na sa National Bureau of Investigation (NBI) ang reklamo ng isang netizen sa Lazada at Shopee kung saan ginamit ang kanyang personal information para sa delivery ng mahigit P175,000 na mga produkto sa kanilang bahay kahit hindi naman siya umorder nito.

Nakita ni NBI Deputy Director for Forensic Investigation Services Ferdinand M. Lavin ang Facebook post ni Marlord Elumba kung saan nanawagan ito sa sinomang may contact sa NBI na tulungan siya para sa problema niya sa online shopping.

Nabatid na cash-on-delivery ang mga inorder sa Lazada at nalaman na lang niyang idideliber sa kanyang bahay ang inorder na refrigerator, bed, washing machine, sex toys gamit ang kanyang pangalan, address, at contact number ngunit hindi naman siya ang gumawa.

Isang Paula Paviera ang nag-tag kay Lavin para matulungan si Elumba at pinapunta naman niya ito sa kanyang opisina.

Ayon naman sa National Privacy Commission (NPC), kulang ang detalyeng na-post ni Elumba para ma-track ang source. Payo ng NPC kay Elumba, maghain ng pormal na reklamo sa kanila para makapagsimula rin ito ng imbestigasyon.

Sabi ng NPC, hindi naman kailangang pumunta ni Elumba sa kanilang tanggapan dahil puwede ring magsumite ng reklamo online.

Nabahala si Elumba ng Calamba nang makita niyang may P174,424.14 na halaga ng mga produkto ang idideliber sa kanya ng Lazada noong July 8, 2020 kaya’t nanawagan na siya sa kahit na sinong makatutulong para hindi na masayang ang oras at pagod ng magdideliber.

Nag-tweet si Elumba sa @theramzoned noong July 8 sa @LazadaPH at @asklazadaph para humingi ng tulong sa pagkansela ng mga order na hindi niya ginawa bago pa mailipat sa item for shipping ito.

Noong July 8 din ay may dineliber kay Elumba ang @ShopeePH na hindi rin niya inorder. Isang araw bago ang delivery din niya tinext ang Shopee Philippines at naawa siya dahil naabala ang kuya sa Ninjavan na nagdiliber. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.