Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lazada tiba-tiba sa sex toys

0 828

Nairita ang isang journalist sa app ng Lazada matapos na ulanin siya ng mga nirerekomenda nitong produkto na mga pang-adult at sex toys.

Ibinahagi ni Dax Lucas sa Twitter ang nangyari sa kanya kung saan isang beses lang umano siya nagkamali ng na-click at bigla na lamang puro sex toys, sexy underwear, at iba pa ang mga naging rekomendasyon sa kanya ng Lazada.

“This Lazada app, man, I tell you…you mistakenly click on the wrong item once…and suddenly your recommendations are full of sex toys, performance enhancers, penis enlargers, lingerie, sexual position furniture, etc.,” tweet niya sa @daxlucas.

Nabatid na Mayo 17, 800 na sex toys na ibinibenta sa Lazada Philippines, 1,820 ang penis enlarger, at 543,063 na lingerie.

Para sa penis enlarger, tinatanong muna ng Lazada kung ang bibili ay 18-anyos na o mas matanda pa. Ang pinakamabenta ay ang Titan Gel na may rating na 4.5 stars out of 5.

Ang isang seller sa Lazada ay nakabenta na ng 956 nito sa halagang P528 at 764 ang nagbigay ng 5-star rating sa produkto, 62 ang nagbigay ng 1-star at 21 ang nagbigay ng 2 star rating.

May isa ring seller na nakabenta na ng 536 ng product at may 4.7-star rating kung saan 464 sa bumili ay binigyan ito ng 5-star rating.

Hindi naman tinatanong ng Lazada ang edad ng user kapag sex toys ang tinitingnan o `pag lingerie.

Kapag nag-click ka ng search button ng Lazada, lalabas ang mga produktong sa tingin nito ay hinahanap mo. Kapag nag-click ka ng isa, nagbibigay ang Lazada ng notification sa iyo kung may mga produktong maaaring pagkainteresan mo base sa algorithm nito.

Tinanong ng Abante ang nagpakilalang representative ng Lazada na si Cathy de Asis tungkol dito ngunit wala pa itong pahayag hanggang press time. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.