Abante Tonite Interactive

Lazard, Dahlke, PLDT tatapusin ang Generika

279

Mga laro ngayon:
(FilOil Flying V Centre)
4:00 p.m. — PLDT vs Generika-Ayala
6:00 p.m. — Cignal vs United VC

Huhugot ng puwer­sa ang PLDT Home Fibr Power Hitters kina reinforcements Grace Lazard­ at Kendra Dahlke upang tapusin ang agad ang Generika-Ayala Lifesavers sa quarterfinals ng 7th Philippine Superliga 2019 Grand Prix.

Tangan ang twice-to-beat advantage, haharapin ng Power Hitters ang Lifesavers sa alas-4 ng hapon sa FilOil Flying­ V Centre, San Juan.

Lumanding sa No. 3 ang PLDT matapos ilista ang 8-6 record sa 14-game preliminary round kaya isang panalo lang ang kailangan para sumampa sa semifinals.

Bukod sa dalawang imports, kakapit din si PLDT coach Rogelio ‘Roger’ Gorayeb sa kanyang mga local na sina Grethcel Soltones, Shola Alvarez at setter Jasmine Nabor sa event na mga suportado ng Asics, Mueller, Mikasa, Senoh, Team Rebel Sports, Bizooku, UCPB Gen, Cocolife, Hotel Sogo at Data Project.

Ihaharap naman ni Generika-Ayala mentor Sherwin Meneses ang kanyang malulupit na spikers na sina Kseniya Kocyigit, Marivic Mene­ses at Fiola Ceballos.

Magkakaldagan naman sa pangalawang laro sa alas-6 ng gabi ang Cignal HD Spikers at United Volleyball Club. (Elech Dawa)