Abante Tonite Interactive

LBC round 2 mamaya sa PCC — Crisostomo

221

Larga ang ‘early bird’ stag series sa “Luzon Breeders Cup (LBC) 9-Stag Derby” second round elims ngayon sa Pasay City Cockpit.

Suportado ng Sagupaan Superfeeds at ng Complexor 3000 ang LBC series na sinimulan nitong July 12 kung saan 30 sa 126 kalahok ang mga umiskor agad ng tigda-dalawang mga panalo.

Inihayag Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA) president Nick Crisostomo Huwebes na may tig-100 entries ang 2-stag elims mamaya at sa Lunes.

Abante Hiring – IT dep

Liyamado sina two-time World Slasher Cup champion Honey Yu, Larry Wacnang, Allan Cantal, Jeffrey at Alwyn Sy, Eric dela Rosa, Nelson Uy, Jimmy Gosiaco, Aaron Cacho, Mayor Rocky Ilagan, Allan Siaco, Eric Calivoso, Maw Acierto, Ricky Magtoto, Bobby del Rosario, Willard Ty, Jervy Maglunob, Doc Boy Tuazon at Hermie Pagtalunan.

Ihahatag ang LBC eliminations at semifinals sa buong Luzon sa July at August bago ang grand finals sa Pasay Cockpit sa Aug. 30.

Lampas P10M ang mga premyo sa P7,000 lang na entry fee. (Enjel Manato)